Wednesday, May 20, 2026

Mga reklamong election offense laban kina PBBM at VP Sara, ibinasura ng Comelec

Ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga reklamong election offense laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Ito ay kaugnay sa umano’y pagtanggap nila ng campaign donations nang tumakbo noong 2022 national at local elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ibinasura ang reklamo kina PBBM at VP Sara dahil sa kanilang immunity bilang kasalukuyang Presidente at Bise Presidente ng Pilipinas.

Paliwanag ni Garcia, maaari silang maharap sa paglabag sa Konstitusyon kung aaksyunan nila ang mga reklamo laban sa dalawa.

Sa kabila nito, maaari pa rin naman daw silang sampahan ng kaparehong reklamo kung matapos na ang termino nila sa 2028.

Sinampahan ng grupong Kontra Daya ng reklamo ang dating Uniteam tandem dahil sa umano’y paglabag sa Omnibus Election Code nang tumanggap daw sila ng campaign donation mula sa government contractors na ipinagbabawal sa ilalim ng batas.

Facebook Comments