Ikinagulat ng pamunuan ng St. Michael the Archangel Parish sa Brgy. Tebeng, Dagupan City, ang pagkawala 27 bags ng semento at 35 piraso ng bakal na materyales sa proyektong expansion ng parking space at bakod sa likod ng simbahan.
Sa panayam kay Parish Pastoral Council Moderator Jude Ferrer, ang mga ninakaw na materyales para sa proyekto ay matagal na pinaghandaan at nilikom ng simbahan bago maisakatuparan.
Bagaman bahagyang hindi matanggap na nagawang nakawan ang simbahan, umaasa pa rin ang pamunuan na maibalik ang mga kagamitan at bukas na hindi na sampahan ng legal na pananagutan ang suspek.
Sa kasaluluyan, hininto ng simbahan ang konstruksyon ng proyekto dahil sa insidente.
Idinulog na rin sa barangay at pulisya ang insidente at kasalukuyan nang tinutukoy ang mga persons of interest.
Sa kabila ng naturang insidente, iginiit ng pamunuan ng St. Michael the Archangel Parish ang kahandaang patawarin ang sinumang responsable, ngunit nananawagan din ito ng kabutihang-loob at donasyon para maipagpatuloy ang proyekto para sa mga parokyano. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







