DAR Secretary Bernie Cruz, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Bernie Cruz, na nagpositibo siya sa COVID-19 at kasalukuyang naka-isolate sa kaniyang tahanan.

Ayon kay Cruz, noong Lunes, January 17, nang lumabas ang resulta ng kaniyang RT-PCR test na siya ay positibo sa COVID-19.

Ang resulta ay kaniyang natanggap isang araw bago ang kaniyang pagdalo sa nakatakdang pamamahagi ng lupa sa Oriental Mindoro.


Nagpapasalamat naman si Cruz dahil asymptomatic siya.

Gayunman, mahigpit niyang sinusunod ang health protocols upang maprotektahan ang lahat.

Ipagpapatuloy naman niya ang kaniyang mga tungkulin at responsibilidad hanggang sa kaniyang pisikal na pagbabalik sa tungkulin.

Aniya, sinimulan na rin ang contact tracing sa lahat ng kaniyang mga nakasalamuha.

Facebook Comments