Dating Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano, hindi na konektado sa Malakanyang

Nakumpirma sa budget deliberation ng Office of the President (OP) na hindi na konektado sa Malakanyang si dating Presidential Adviser on Creative Communications na si Paul Soriano.

Naungkat ang impormasyong wala na sa administrasyong Marcos si Soriano matapos na tanungin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kung kanino galing ang budget na ginamit para sa kontroberysal na tourism ad slogan na nakalagay sa isang bus sa London kung saan may katagang “we give the world our best” na may larawan ng isang Pinay nurse na unang nagturok ng bakuna kontra COVID-19 sa United Kingdom.

Habang binubusisi ni Pimentel kung saan galing ang pondo na ginamit sa ad na ito, tugon naman ni Senate Committee on Finance Sonny Angara na hindi galing sa OP at ang nakakaalam lang nito ay si Soriano na ngayon ay hindi na konektado sa gobyernong Marcos.


Matatandaan na umani ng matinding reaksyon mula sa ating mga kababayan ang nasabing slogan sa pag-aakalang ito na ang magiging tourism slogan ng bansa.

Facebook Comments