Ilang sa suspected flu cases, nagpopositibo sa COVID-19, ayon sa DOH

Kinumpirma ni Health Usec. Eric Tayag na ilan sa mga pasyenteng may trangkaso ay nagpopositibo sa COVID-19.

Ayon kay Tayag, kabilang sa mga nagpositibo sa COVID ay mga pasyenteng may flu-like symptoms.

Samantala, pinapayuhan naman ni Tayag ang publiko na magpabakuna kontra influenza.


Ito ay lalo na’t umaabot na ang kaso ng influenza sa bansa sa mahigit 170 thousand.

Partikular aniyang dapat iprayoridad sa flu vaccine ang mga nakatatanda.

Nilinaw din ni Tayag na ang bakuna kontra influenza ay libre sa mga health center.

Facebook Comments