Mga taga-Siquijor, makabibili na ng P20 na bigas —DA

Makabibili na ng P20 na bigas ang mga taga-Siquijor matapos ilunsad ng Department of Agriculture (DA) sa probinsya ang Kadiwa ng Pangulo.

Ang Siquijor ay isa lamang sa pinaka mahirap na probinsya sa Negros Island region.

Kabilang din sa pinakamahirap na lungsod sa rehiyon ay ang Bacolod City, Negros Occidental na una na ring nagkaroon ng rollout ng P20 na kada kilo ng bigas.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., umaasa sila na ang pagpapalawak ng naturang programa sa Siquijor, ay makatutulong bilang testing ground para mapaigting pa ang pagtugon sa mga hamon pagdating sa logistics, at distribution ng subsidized rice sa mga malalayo at liblib na lugar.

Tinatayang nasa 425 na households o kasambahayan o humigit-kumulang 1,700 katao ang makikinabang sa P20 kada kilo ng bigas sa Siquijor.

Ang pilot phase ng P20 program ay magtatagal hanggang December 2025.

Facebook Comments