Datos ng COVID-19, pinasosolusyunan ng grupo ng healthcare workers

35

Nanawagan ang grupo ng healthcare workers na solusyonan ang kakulangan sa sistema ng pagre-report ng datos ng COVID-19.

Ito ay sa harap ng pagpapatupad ng pilot implementation ng alert level at granular lockdown sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC), hindi sinasalamin ng mga numero ang totoong nangyayari sa komunidad.


Kabilang sa dapat na masolusyonan ng gobyerno ang datos sa mga emergency room na hindi nasasama sa tala ng ward bed at Intensive Care Unit (ICU) utilization.

Facebook Comments