Tuesday, June 16, 2026

DepEd, naglabas na ng petsa ng pagbubukas ng klase sa Hunyo

Inilabas na ng Department of Education (DepEd) ang official calendar para sa School Year 2026–2027.

Sa naturang kalendaryo, magsisimula ang klase sa June 8, 2026 at magtatapos sa April 8, 2027.

Para naman sa Term 3, ang instructional period ay mula January 4 hanggang March 23.

Habang ang end-of-term activities ay mula March 24 hanggang April 8, 2027.

Nilinaw naman ng DepEd na ang private schools at universities ay maaaring mag-adopt ng three-term calendar, basta’t susundin nila ang required na bilang ng school days.

Sa pagsisimula ng klase sa Hunyo, epektibo na rin ang pagpasok ng mga bagong hire na mga guro na dating Overseas Filipino Workers (OFWs).

Facebook Comments