DILG chief sa Pangasinan, pinagpapaliwanag sa harassment umano ng PNP sa asawa ng onion farmer na nag-suicide

Pinagpapaliwanag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos si DILG Pangasinan Director Virgilio Sison.

Kaugnay ito sa napabalitang harassment ng mga tauhan ng Bayambang Police Station kay Merlita Gallardo, asawa ni Roger Ragos Gallado na umano ay nagpakamatay dahil sa pagkalugi sa pagtatanim ng sibuyas na unang humarap sa pagdinig ng Senate Committee on Agrarian Reform.

Ayon kay Abalos, pinaiimbestigahan na niya kung ano ang tunay na nangyari.


Pinagsusumite ng DILG chief ng written report si Sison.

Nilinaw ni Abalos na wala siyang utos na puntahan ang bahay nina Gallardo at posibleng inisyatibo na ito ng pulisya sa provincial level.

Una nang kinumpirma ni Pangasinan Police Provincial Director Colonel Jeff Fanged na hindi nila itinanggi na nagtungo sila sa bahay ng mga Gallardo.

Sumunod lang sila sa direktiba ni Sison na alamin ang detalye sa pagkamatay ni Ragos.

Facebook Comments