MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA PANGASINAN TUMANGGAP NG MODERNONG KAGAMITANG PANGKABUHAYAN

Tumanggap ng mga rechargeable sprayer at fishing paraphernalia ang daan-daang Farmers and Fisherfolk Cooperatives Associations (FCAs) mula sa una, ikalawa, at ikaapat na distrito ng lalawigan ng Pangasinan bilang bahagi ng programang suporta sa sektor ng agrikultura at pangingisda.

Personal na ipinamahagi ang mga kagamitan sa pakikipagtulungan ng Provincial Agriculture Office.

Layunin ng programa na mabigyan ang mga magsasaka at mangingisda ng makabagong kagamitan upang mapataas ang kanilang produksyon, mapabuti ang kalidad ng kanilang mga produkto, at madagdagan ang kanilang kita.

Bahagi ang inisyatibang ito sa iba pang programa sa lalawigan para sa sektor ng agrikultura at pangingisda kung saan kinakailangan ng suporta at mga kagamitang makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na hanapbuhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments