DEPED R1, PINAGPLANUHAN ANG PAGPAPALAKAS NG LITERACY SA DAGUPAN CITY

Pinag-usapan ng DepEd Regional Office 1 at Local Government Unit (LGU) ng Dagupan City ang mga hakbang para mapalakas ang literacy program ng mga bata sa Dagupan City sa pagbisita ni Regional Director Dr. Estela P. Leon-Cariño sa lungsod.

Kasama ang DepEd Schools Division Office of Dagupan City, tinalakay ang mga programang nakatuon sa pagpapabuti ng kakayahan sa pagbasa, gayundin ang mga suporta sa school infrastructure, feeding programs at kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ayon sa ulat, kabilang sa mga napag-usapan ang school building improvements, site development, covered court at gymnasium projects, feeding programs at SAFEnet.

Pinangunahan naman ng DepEd ang Ang Bawat Kabataang Dagupeño (A.B.K.D.) Nakakabasa Program sa Salisay Elementary School, kasama ang Schools Division Office sa lungsod at mga batang mag-aaral.

Sinundan ito ng GOODBYEGUTOM feeding activity para sa mga learners ng paaralan.

Nakatuon umano ang naturang pagbisita at koordinasyon sa pagpapalakas ng mga programang pang-edukasyon at support services para sa mga mag-aaral sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments