Deployment ban sa Ethiopia, partially lifted na – POEA

56

Bahagyang inalis ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang deployment ban sa Ethiopia.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, lumuwag na ang sitwasyon sa pagitan ng tropa ng gobyerno at mga rebelde sa land-locked African nation.

Dahil dito, ibaba na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa Alert Level 2 ang krisis sa Ethiopia mula sa Alert 4.


Nauna nang ipinag-utos ng Pilipinas ang total deployment ban sa Ethiopia noong Nobyembre 2021 matapos ang tensyon sa pagitan ng mga pwersa ng gobyerno at ng Tigray People’s Liberation Front (TPLF).

Facebook Comments