Pagdagsa ng mga turista noong Semana Santa, “good news” – Palasyo

87

Itinuturing na “good news” ng Malacañang ang napaulat na pagdagsa ng mga turista sa iba’t ibang destinasyon sa bansa nitong Semana Santa.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, ang mataas na bilang ng mga turista ay nagpapakita na ang confidence level ng publiko na lumabas para magbakasyon sa kabila ng may pandemiya ay bumuti.

Gayunman, dapat pa rin aniyang panatilihin ng publiko ang pag-obserba sa minimum public health standards laban sa COVID-19.


Matatandaaang nitong Semana Santa, umabot sa halos 22,000 ang bilang ng turista sa Boracay na lampas sa itinakdang kapasidad na 19,000.

Facebook Comments