Dexter Carlos, muling nanawagan na mabitay kung sino man ang pumatay sa kanyang mag-iina

303

Bulacan – Suot ang damit na may naka-imprentang death penalty, muling hiniling ng nauilang padre de pamilya na buhayin muli ang parusang kamatayan sa isinagawang misa sa St. Joseph Church para sa kanyang pamilya.

Giit ni Carlos, ang gusto niyang mangyari sa ngayon ay masampulan at unang sumalang sa parusang kamatayan kung sinuman ang mga nasa likod karumal-dumal na pagpatay sa lahat ng miyembro ng pamilya.

Kung maalala kahapon, bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa lamay ng mga biktima sa tinaguriang Bulacan Masaker kung saan nag-iwan si Duterte ng isang cellphone at sinabing tawagan lang siya ni Carlos kung anuman ang nais nito.


Sa mga oras na ito lahat ng madadaanan ng funeral convoy ng pamilya Carlos ay makikitang nakatayo sa labas ng bahay ang mga residente kahit tirik na tirik ang araw, habang pagdating sa Citros Public Cemetery nakabang din ang napakaraming nais makiramay.

Facebook Comments