Saturday, June 27, 2026

DIGITAL NA SISTEMA, IPINATUPAD PARA SA MAS MABILIS NA SERBISYO SA PUBLIKO SA ALAMINOS CITY

Pinalakas pa ang serbisyong sibil sa lungsod matapos makatanggap ng mga bagong kagamitan tulad ng scanner at printer ang Civil Registry Office, kasama ang Western Pangasinan District Hospital at Isang Lying-in Clinic mula sa Philippine Statistics Office.

Bahagi ito ng pagpapatupad ng Electronic Civil Registration and Vital Statistics System (eCRVS) Phase I.

Layunin ng eCRVS na mapabilis at gawing mas maaasahan ang pagproseso ng mahahalagang dokumento gaya ng birth at death certificates sa pamamagitan ng isang digital na sistema.

Inaasahan na makatutulong ito upang mabawasan ang pila at higit na mapabuti ang kalidad ng serbisyo para sa publiko.

Samantala, nakikiisa rin ang lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng Ease of Doing Business Month ngayong buwan ng Mayo, na may temang “Achieving Results through Transparency and Accountability towards a More Productive Bagong Pilipinas.”

Layunin ng selebrasyon na isulong ang mas malinaw, mabilis, at responsableng pamamahala sa lahat ng transaksyon ng pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments