DILG, iisyuhan ng show cause order si Cebu Gov. Gwen Garcia kaugnay ng regulasyon niya sa pagsusuot ng ‘face masks outdoors’

106

Padadalhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng ‘show cause order’ si Cebu Governor Gwen Garcia upang pagpaliwanagin kung ang regulasyon niya sa pagsusuot ng ‘face masks outdoors’ ay umaalinsunod sa panuntunan ng pamahalaan.

Gayunman, sinabi ni Interior Undersecretary Epimaco Densing III na inatasan nila ang kanilang mga field office sa Cebu na kausapin ang governor upang makapagsagawa ng adjustments sa inilabas nitong Executive Order (EO).

Nitong nakaraang linggo ay nilagdaan ni Gov. Garcia ang EO kung saan ay nagsasaad na ang pagsusuot ng face masks ay mandato lamang sa mga closed and air-conditioned spaces at sa mga taong nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.


Una nang tinanggihan ng pamahalaan, kabilang si DILG Secretary Eduardo Año at Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang nasabing EO ni Garcia at iginiit na kailangang sundin ng lahat ng local governments ang ipinatutupad na panuntunan ng Inter-agency Task Force (IATF) na inaprubahan ng pangulo.

Nilinaw rin niya na aarestuhin pa rin ng mga awtoridad ang sinumang indibidwal na mamamataan na walang suot ng face masks sa labas ng kanilang mga tahanan.

Facebook Comments