Pagkansela ng LTO sa driver’s license ng sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City, welcome development ayon sa PNP

Welcome development para sa Philippine National Police (PNP) ang pagkansela ng Land Transportation Office (LTO) sa driver’s license ng sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Brig. Gen. Roderick Alba, suportado nila ang desisyon ng LTO laban sa motoristang si Jose Antonio Sanvicente.

Maging si PNP Officer-in-Charge, Lt. Gen. Vicente Danao Jr., aniya ay pabor na hindi humawak pa ng manibela si Sanvicente.


Una na ring hinamon ni Danao si Sanvicente na lumantad at patunayang hindi ito gumagamit ng iligal na droga.

Kumbinsido kasi si Danao na hindi gawain ng may mabuting isip ang managasa.

Facebook Comments