DILG, inatasan ang lahat ng LGU at barangay sa Cebu na ipatupad pa rin ang pagmamandato sa pagsusuot ng face mask

Binigyang diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin DiƱo na dapat sumunod pa rin ang lahat sa minimum public health protocols lalo na ang pagsusuot ng face mask.

Ito ay sa kabila ng inilabas na executive order sa Cebu na nagsasabing optional na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga well-ventilated area o sa open spaces.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Usec. DiƱo na ang pagsusuot ng face mask ay nakapaloob sa Bayanihan Act na kapwa dumaan sa dalawang kapulungan ng Kongreso.


Aniya, ang naturang batas ay dapat na ipatupad sa lahat ng lungsod, munisipalidad maging sa bawat barangay.

Nanindigan din si DiƱo na kanilang ipatutupad ang pagsusuot ng face mask hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.

Mahalaga aniya itong gawin lalo na’t nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 at mga subvariant nito.

Facebook Comments