Sec. Andanar, balik sa pagiging media kapag natapos ang termino

74

Kabilang sa mga ikinokonsidera ni acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar ang pagbalik sa private media sa oras na matapos na ang termino ng Duterte administration.

Sa blessing ng Malacañang Press Corps (MPC) Working Area na pinangunahan ng kalihim ngayong araw, sinabi nito na ito ang una sa kanyang mga pinagpipilian lalo’t ito naman ang kaniyang dati nang trabaho.

Gayunpaman sa kasalukuyan, maglalaan muna siya ng oras para sa kanyang pamilya.


Ngayong araw ay pinagunahan ng kalihim ang blessing at muling pagbubukas ng press working area ng MPC.

Sa naging mensahe ng kalihim, kinilala nito ang mahalagang papel na ginampanan ng media sa pamamahagi ng mga impormasyon sa publiko lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

At nagpasalamat rin ito sa lahat ng naging kabalikat ng pamahalaan sa pagpapaabot ng tamang impormasyon sa publiko.



Facebook Comments