Dina Bonnevie sa server na may hawak ng kanyang birthday cake: ‘Hindi kita papahiran ng cake’

Kasabay ng kanyang ika-61 kaarawan noong Biyernes, January 27, tila nagpasaring ang beteranang aktres na si Dina Bonnevie laban sa actress-vlogger na si Alex Gonzaga.

Matapos kasing hipan ang kandila sa kanyang birthday cake ay sinabihan nito ang server na humawak sa kanyang cake na hindi niya ito papahiran ng icing bagkus ay pasasalamatan niya ito.

Kasabay nito, pinaalalahanan niya ang kanyang mga bisita na ang cake ay kinakain at hindi ipinapahid sa mukha ng ibang tao.


“Di kita papahiran ng cake, magpapasalamat ako sa iyo. Thank you po, thank you so much,” saad ng award-winning actress.

“Cakes are to be eaten and not to be pasted on other people’s faces, thank you!”

Bagama’t hindi binanggit ni Dina ang konteksto ng kanyang mensahe, maraming netizens naman ang nag-assume na tila pasaring ito kay Alex.

Matatatandaang nag-trending kamakailan ang pamumunas ni Alex ng icing sa noo ng waiter na may hawak ng kanyang cake sa selebrasyon ng kaarawan niya noong January 15.

Nag-sorry si Alex sa waiter kasunod ng kaliwa’t kanang batikos na inabot niya mula sa netizens.

Samantala, ilang netizens ang muling nag-ungkat sa anila’y long-standing issue sa pagitan nina Dina at Alex.
Muli kasing naungkat ang 2018 interview ni Dina kung saan naikwento nito ang pagkompronta niya sa isang “bratty young actress” na laging late dumating sa taping.

Sa isang vlog naman noong December, inalala ni Alex kung paano siya na-trauma nang pagalitan siya sa taping ng aniya’y “artistang matanda.”

Taong 2011 nang maging magkatrabaho ang dalawa sa TV series na “P.S. I Love You.”

Wala pa namang kumpirmasyon mula sa magkabilang panig kung ang isa’t isa ang tinutukoy nila.

Facebook Comments