DIPALO ECO PARK SA SAN QUINTIN, MULING BUBUKSAN MATAPOS ANG PANSAMANTALANG PAGSASARA

Inanunsyo na ng lokal na pamahalaan ng San Quintin ang muling pagbubukas ng Dipalo Eco Park sa San Quintin sa Sabado, Abril 25, matapos itong pansamantalang isara dahilan ng isang insidente.

Matatandaang noong Abril 12, isinara ang eco park matapos ang pagkalunod ng isang menor de edad.

Dahil dito, agad nagpatupad ng pagsusuri at paghihigpit sa mga umiiral na safety protocols ang lokal na pamahalaan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, tinatapos na sa kasalukuyan ang mga idinaragdag sa lugar tulad ng watch tower, paglalagay ng paging system at mga signages, pati internet connectivity at karagdagang CCTV cameras.

Layunin umano nitong matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang kahalintulad na insidente sa hinaharap. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments