
Mamamahagi ng Petron E-Fuel Cards ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa mga tsuper ng jeep na nakilahok sa kanilang Libreng Sakay Program.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, aabot sa P4.9 million na halaga ang ipamamahagi sa mga driver kung saan nagkakahalaga ng P1,000 bawat isang card.
Nagmula umano ang ipamamahagi sa donasyon ng isang pribadong indibidwal na tumangging magpakilala.
Sabi ng alkalde, ipagkakaloob ito bilang pasasalamat sa mgadriver na nakiisa sa panawagan ng LGU at para na rin makatulong sa kanilang gastusin ngayong nananatiling mataas ang presyo ng petrolyo.
Pinasalamatan din ng Maynila ang nag-donate upang suportahan ang mga apektadong jeepney driver.
Facebook Comments










