
Pinaaaprubahan sa Senado ang panukalang batas na magbibigay ng diskwento sa mga indigent job seekers sa gitna ng kakulangan ng trabaho sa bansa.
Sa inihaing Senate Bill No. 2382 o Indigent Job Applicants Discount Act ni Senator Lito Lapid, na layong bigyan ng 20% discount ang mga mahihirap na aplikante sa binabayarang fees at charges para sa paghahanap ng trabaho.
Kabilang dito ang diskwento sa pagkuha ng NBI Clearance, Police Clearance, School Clearance o Transcript of Records, Medical, Marriage at Birth Certificates.
Kabilang sa kwalipikado sa panukalang batas ang mga pamilyang nasa mababang poverty threshold.
Sa ilalim ng Lapid bill, sinumang pampublikong opisyal o kawani na tumangging magbigay ng mga benepisyo para sa indigent job applicant ay mapapatawan ng parusang hindi bababa sa ₱5,000 at hindi naman lalagpas sa ₱20,000.