Rep. Paolo Duterte, itinanggi na pinababayaan ang kaniyang trabaho

Mariing itinanggi ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ang alegasyong tila napapabayaan na niya ang kaniyang trabaho bilang kongresista at iniiwanan na ang kaniyang lungsod.

Sa gitna ito ng pananatili ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa detention facility sa The Hague, matapos siyang ipaaresto ng International Criminal Court (ICC) dahil sa crimes against humanity.

Matatandaan na inaprubahan ng Kamara ang bagong travel clearance ni Rep. Duterte, para makabyahe siya sa hindi bababa sa 17 mga bansa kasama ang The Netherlands, mula March 20 hanggang May 10.

Diin ni Rep. Duterte, patuloy niyang ginagampanan ang kaniyang trababo at isinusulong ang pag-unlad ng Davao City.

Sabi ni Congressman Pulong, target niya na maging “hub of opportunities” ang Davao para sa mga residente nito at buong mga kababayan natin sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t ibang programa at proyekto na makapag-aambag sa paglakas ng ekonomiya na mararamdaman ng lahat.

Facebook Comments