
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga employer ng mga Pinoy workers na naapektuhan at naipit dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Israel at Iran.
Ayon kay Migrant Workers secretary Hans Leo Cacdac, kinausap na nila ang ilan sa mga employer ng mga OFW para masiguro na naiintindihan nila ang sitwasyon ng mga naturang Pinoy.
Aniya, hindi maaring isa-alang alang ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Pinoy na nagtatrabaho sa mga apektadong lugar.
Sa kabila nito, sinabi naman ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Sison na naipit din sa Dubai at bumalik muna ng Pilipinas ay kahit pa umano matindi na ang nangyayari sa Israel ay babalik pa rin siya para magtrabaho roon.
Una nang sinabi ng OWWA na nakaantabay sila sa mga Pinoy na madadamay at maiipit sa mga bansa at magbibigay ng financial assistance lalo pa’t apektado ang kanilang mga trabaho ng ilang buwan.