It’s cool, to be back to school! ‘Yan ang pinatunayan ng Binmaley Catholic School sa kanilang mag-aaral sa unang araw ng klase kahapon dahil na rin sa nakatutuwang mga disenyo sa kanilang paaralan tampok ang sikat ng online game na Minecraft.
Ayon kay Dr. Melissa M. Soriano Elementary and Junior High School Principal ng Binmaley Catholic School, ang ideyang ito ay nagmula sa mga Supreme Student Council ng paaralan.
Napili nila ang disenyong Minecraft bilang inspirasyon dahil ito ay sumisimbolo ng pagtatag ng magandang pundasyon na siya namang gampanin ng paaralan mua sa paglinang ng talento, paggabay sa pagiging maka Diyos at makatao, at higit sa lahat ay pagbibigay ng de kalidad na edukasyon.
Makakaasa rin umano ang mga estudyante na hindi lamang ito sa umpisa kundi hanggang sa matapos ang buong school year ay patuloy silang maghahandog ng mga kaabang abang na surpresa para sa mga mag aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣