Facebook post na nagsasaad na walang pasok sa Quezon City ngayong araw ng Martes, fake news — Quezon City LGU

Mariing pinabulaanan ng Quezon City Government ang mga ‘fake news’ sa social media na nagsasabing kanselado ang klase ngayong araw, June 17, 2025.

Sa post kasi ng isang Facebook page na Trending News, wala umanong pasok ngayong araw sa lahat ng antas mula elementarya hanggang high school, public at private dahil sa isang low pressure area.

Sa inilabas na abiso ng lokal na pamaahalaan hinihimok ang mga residente na maging mapanuri at maingat sa mga impormasyong nakikita online.

Ayon sa Quezon City LGU, ang mga opisyal na anunsyo tungkol sa suspensyon ng klase ay makikita lamang sa Facebook page ng Quezon City Government.

Ginawa ng Quezon City LGU ang paglilinaw upang hindi na magkaroon ng kalituhan sa pagpasok ang mga mag-aaral ngayon ikalawang araw ng klase.

Facebook Comments