
Personal na binisita ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pangunguna ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ang kalagayan ni Cynthia Masongsong, ang asawa ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Danmark Masongsong, at magulang ng nasawing bata sa insidente sa Naia Terminal 1.
Sinamahan ng DMW si Cynthia sa kaniyang follow up-check up sa isang ospital sa Taguig City.
Tiniyak ni Secretary Cacdac sa pamilya Masongsong ang patuloy na suporta sa kanila ng gobyerno, kabilang na ang therapy para kay Cynthia at psycho-social counseling para kaniyang pamilya.
Ito ay upang matiyak ang kapakanan ng nagdadalamhating pamilya.
Facebook Comments