DND, suportado si QC RTC Judge Cecilyn Burgos-Villavert sa akusasyong bias ng Makabayan Bloc

Buo ang suporta ng Department of National Defense kay Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Executive Judge Cecilyn Burgos-Villavert.

Ito ay matapos na kwestyunin ng Makabayan Bloc ang inisyung search warrants para mahalughog ang bahay at opisina ng progressive groups sa Bacolod at bahay ng kadamay members sa Manila noong October 30 at 31.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, walang batayan ang akusasyon ng Makabayan Bloc kay Judge Villavert.


Naniniwala aniya ang Defense Department na hindi mag-i-isyu ng warrants ang hukom nang walang probable cause.

Sinabi ni Lorenzana, nais lamang ng Makabayan Bloc na dungisan ang integridad ni Judge Villavert at maging nang buong justice system sa bansa.

Higit sa lahat, inamin na rin daw ngayon ng Makabayan Bloc na sila ay fronts ng CPP/NPA dahil sa kanilang mga pahayag.

Facebook Comments