Thursday, July 16, 2026

Sen. Alan Peter Cayetano, hindi dapat ma-intimidate sa imbestigasyon ng NBI sa 2019 SEA Games — Malacañang

Walang dapat ikatakot si Senador Alan Peter Cayetano sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga proyekto ng 2019 Southeast Asian Games.

Pahayag ito ng Malacañang kasunod ng naging reaksyon nina Senador Alan Peter at Senador Pia Cayetano sa planong imbestigasyon ng NBI.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kung walang dapat itago ang senador, wala rin itong dapat ikatakot sa imbestigasyon ng NBI.

Giit pa ni Castro, mandato naman ng NBI na imbestigahan ang anumang ulat ng posibleng anomalya.

Lumutang lamang aniya ang isyu sa pulong tungkol sa planong pagtatayo ng NBI Academy sa New Clark City, kaya ito naiparating kay NBI Director Melvin Matibag at wala itong layuning siraan ang sinuman.

Facebook Comments