Wednesday, June 24, 2026

DOE, inanunsyo na nationwide na ang ₱𝟏𝟎 fuel subsidy para sa 𝐏𝐔𝐕s

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na ginawa nang nationwide ang gasoline stations kung saan maaaring mag-avail ng sampung pisong fuel subsidy para sa public utility vehicles.

Ayon sa DOE, layon nito na mas mapalawak pa ang maaabot ng programa at mas maraming tsuper ang makikinabang.

Sa ilalim ng programa, maaaring makapag-avail ang mga kwalipikadong tsuper ng ₱10 diskwento kada litro ng diesel ng hanggang 150 liters kada linggo.

Ito ay katumbas ng ₱1,500 na matitipid ng mga tsuper kada linggo depende sa aktwal na konsumo.

Facebook Comments