DOE, tiniyak na may sapat na supply ng langis sa bansa sa harap ng tensyon sa Middle East

Tiniyak ni Department of Energy (DOE) Officer-in-Charge (OIC) Sharon Garin na may sapat na supply ng langis sa bansa.

Sa harap ito ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

Ayon kay Garin, sa kanyang inspeksyon kanina sa Manila Oil Depot, wala siyang nakikitang kakapusan sa supply ng langis sa bansa.

Gayunman, mahigpit aniya nilang binabantayan ang presyo ng langis sa bansa at kanila ring binabantayan ang mga kumpanya ng langis kung nakakasunod ang mga ito sa tamang price adjustment.

Inatasan din ng Energy Department ang mga kumpanya ng langis na panatilihin ang at least a 30-day inventory sa krudo at 15-day inventory sa finished petroleum products.

Facebook Comments