Inihaing impeachment laban kay PBBM, hindi dapat ikumpara sa impeachment case ni VP Sara ayon sa Palasyo

Malaki ang pagkakaiba ng reklamong impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inihain ni Ronald Cardema at inendorso ni Duterte Youth Representative Drixie Cardema, kumpara sa impeachment case na kinahaharap ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi dapat ito ikumpara kay Pangulong Marcos dahil walang ginastos ang Pangulo na P123 million sa loob ng 11 araw at maayos itong nagtatrabaho.

Bukod dito, wala aniyang notice of disallowance ang Office of the President tungkol sa confidential funds kaya malayong-malayo ito sa reklamo sa Pangulo.

Giit pa ni Castro, walang ano mang gusot na kinasangkutan ang Pangulo na may kinalaman sa pera o pondo kaya walang dahilan para pag-usapan ang reklamong inihain ng tagasuporta ng mga Duterte.

Ipinauubaya na aniya ng Palasyo sa Kamara kung ano ang magiging kahihinatnan ng impeachment case laban sa Pangulo.

Facebook Comments