DOH, nakapagtala ng 2,318 na bagong kaso ng COVID-19

47

Umakyat na sa 3,874,641ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,318 na bagong kaso kahapon.

Ito na ang ikatlong magkasunod na araw na mas mababa sa 3,000 ang naitatalang bagong kaso ng sakit.

Habang bumaba sa 28,525 ang aktibong kaso ng virus matapos makapagtala ng 3,464 na bagong gumaling sa sakit.


Samantala, nakapagtala naman ng 54 na bagong nasawi sa COVID-19 dahilan para umakyat sa 61,667 ang nationwide COVID-19 death toll sa bansa.

Facebook Comments