DOH, nakapagtala ng higit 32,000 na kaso ng COVID-19 ngayong araw

49

Nakapagtala ng 34,021 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mas mataas ito kumpara sa 32,246 na kaso kahapon kung saan ito na ang pinakamataas na naitalang kaso simula nang tumama ang COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, umabot na sa 3,092,409 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 237,387 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 4,694 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,802,286 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 52,736 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 82 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 11 habang may pitong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments