NCR, nasa “severe outbreak” na – OCTA

135

Inihayag ng OCTA Research Group na nasa “severe outbreak” na ang National Capital Region (NCR) sa COVID-19.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 89.42% na Average Daily Attack Rate (ADAR) sa NCR simula January 4 hanggang 10 kung saan mas mataas ito sa 12.71% na ADAR noong December 28 hanggang January 3.

Aniya, posibleng lumagpas sa 70% ang healthcare utilization rate sa rehiyon habang bahagya namang bumaba ang positivity rate nito sa 5.22 mula sa 5.65.


Dahil dito, maituturing na nasa “very high risk” category na ang NCR.

Sa ngayon ay nasa 237,387 na ang aktibong kaso sa bansa.

Facebook Comments