DOH: Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa 14 lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, hindi dapat ikabahala

331

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi dapat ikabahala ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa 14 na lugar na nasa Alert Level 1.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bahagyang tumaas ang one-week growth rate sa mga lugar sa Region 4-B, Region 3, Region 11, Caraga, Region 1, Region 2, Cordillera Administrative Region (CAR) at Region 8.

Pero wala pa aniyang epekto ang uptick na ito sa utilization at bed utilization rate ng mga ospital.


Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na umabot lamang sa 224 ang average na kaso kada araw mula April 12 hanggang 18 na 17% na mas mababa kumpara noong nakaraang linggo.

Facebook Comments