
Naglabas na ng pahayag ang Department of Justice (DOJ) matapos na arestuhin kahapon si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant of arrest mula sa Internatonal Criminal Court.
Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, nasunod ang domestic at international legal procedures sa pag-aresto sa dating pangulo at siniguro rin ang due process at pagprotekta sa kaniyang karapatan.
Sa kabila aniya ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong 2019 ay nananatiling miyembro ang bansa ng International Criminal Police Organization (INTERPOL) at isinagawa ang pag-aresto ng Pilipinong law enforcement agents bilang bahagi ng kooperasyons sa international community.
Ipinunto rin ng DOJ na sa ilalim ng Section 17 ng Republic Act No. 9581 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity, maaaring isuko ng Pilipinas ang sinumang suspected of akusado sa kaukulang international court.
Iginiit din ng DOJ na naisagawa ang pag-aresto sa dating pangulo sa mapayapa at maayos na paraan na patunay na sinusunod ng law enforcement agencies ang due process at alinsunod sa batas.