Kaso ni FPRDD sa ICC, may katapat na hanggang 30 taon pagkakakulong —Malacañang

Posibleng makulong ng 30 taon si dating Pangulong Rodrigo Duterte kung mahahatulang guilty sa kasong kinahaharap sa International Criminal Court (ICC).

Ito ang inihayag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa Malacañang press briefing nitong Miyerkules matapos maaresto ang dating pangulo at dalhin sa The Hague, Netherlands.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, batay sa nakasaad sa batas, maaaring umabot ng hanggang tatlumpung taon sa bilangguan ang isang indibidwal oras na mahatulang guilty sa kasong crimes against humanity.


Gayunpaman, nakadepende ito sa depensang maaaring ma-avail ng dating pangulo sakaling magkaroon ng hatol ang ICC.

Ang crimes against humanity ay isinampa laban kay Duterte sa ICC dahil sa madugong war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Facebook Comments