Pagtuntun sa cellphone ng nasawing middleman sa Percy Lapid slay case, ipinag-utos ni OIC BuCor Director Gregorio Pio Catapang Jr.

Ipinag-utos ni BuCor OIC Director General Gregorio Pio Catapang Jr., na galugarin ang selda para makita ang nawawalang cellphone na ginamit ng nasawing middleman sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi ni Catapang na pipilitin niyang tuntunin kung sino ang nakapulot ng cellphone ni Villamor sa loob ng Bilibid.

Una nang kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla na wala sa kustodiya ng mga awtoridad ang cellphone ng nasawing middleman sa Percy Lapid slay case na si Jun Villamor.


Pahayag ito ni Secretary Remulla nang pangunahan nito ang pagpapalaya sa mahigit 300 preso ng NBP sa Muntinlupa kahapon.

Magugunitang ibinunyag ng kapatid ni Villamor na sinabi sa kaniya umano kung sino ang nagpapatay kay Percy Lapid.

Samantala, sinabi rin ni Catapang na binabantayan na rin ang 3 Person Deprive of Liberty (PDL) na nabanggit ng kapatid ni Villamor upang madaling maiharap sa sandaling kailanganin sa imbestigasyon.

Facebook Comments