Tuesday, April 14, 2026

Mahigit 500 HPG personnel, ide-deploy sa buong bansa kasabay ng transport strike ng Manibela at mga kaayadong grupo

Nasa 501 na mga tauhan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang ipakakalat sa buong bansa kasabay ng isasagawang transport strike ng grupong MANIBELA at mga kaalyadong grupo.

Kung saan sila ay ide-deploy sa 60 mga lokasyon sa buong bansa para tumiyak ng seguridad at magmando ng trapiko.

Ayon kay HPG Spokesperson Nadame Malang, ide-deploy sa nasabing tigil-pasada ang nasa 139 na mga motorsiklo at 97 na mga police mobile.

Bukod dito, nakipagtulungan din ang HPG sa 15 mga towing company para tumulong sa pagbabantay at maibsan ang pagsisikip sa trapiko.

Nabatid na inanunsyo ng grupong MANIBELA at mga kaalyadong grupo na magsasagawa ito ng tatlong araw na nationwide transport strike mula April 15-17 para pa rin sa nagpapatuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Facebook Comments