DOLE, nakahanda sa anumang hindi inaasahang kagapanan sa Qatar

109

Manila, Philippines – Nakahanda ang Department of Labor and Employment sa hindi inaasahang kagapanan sa Qatar.

Sinabi ni Dr. Jesus Cruz, OIC director ng Information Service na ito ay bunsod ng ulat na hindi na tinatanggap ng mga bansa sa paligid ng Qatar ang currency o gamit nitong salapi.
Ngunit tiniyak ni Cruz na walang dapat ikabahala dahil matatag ang bilateral relations ng Qatar at Pilipinas at hindi naman kaaway ang Qatar at di rin kalaban ang mga kaaway nito.

Sa ngayon ay may ipinadala ng quick reaction team sa Qatar para asikasuhin ang pangangailangan ng may 250,000 na pilipinong manggagawa roon.


Facebook Comments