Donasyon para sa mga nasalanta ng sunod-sunod na bagyo, patuloy na dumadagsa sa PCG Headquarters

45

Patuloy ang pagdagsa ng mga donasyon sa National Headquarters ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Port Area, Manila para sa mga nasalanta ng sunod-sunod na bagyo sa Bicol Region, Cagayan at Isabela.

Kabilang sa mga bumubuhos na donasyon mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon ang mga pagkain, tubig, at hygiene kit.


Tiniyak naman ng PCG na mabilis at ligtas nilang ibibiyahe sa mga apektadong komunidad sa Cagayan, Isabela, at Bicol ang mga donasyon.

Partikular na ginagamit ng PCG sa pag-transport ng mga donasyon ang kanilang mga barko, helicopter, at truck.

Facebook Comments