DOT, planong palitan na ang slogan na “It’s More Fun in the Philippines”

97

Inihayag ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na plano na nila baguhin ang slogan ng Pilipinas na “It’s More Fun in the Philippines”.

Ito ay kinumpirma ni Frasco sa budget deliberations ng DOT sa House Committee on Appropriations kung saan sinabi nito na “under-review” na ang slogan ng bansa.

Aniya, noong 2012 pa nang ilunsad ang naturang tourisim campaign at isang dekada nang hindi napapalitan.


Paliwanag ni Frasco, nag-iisip na sila ng bagong slogan na siyang kumakatawan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Giit pa ng kalihim, kailangang magkaroon ng bagong slogan na siyang kumikilala sa cultural strength at identity ng Filipino Brand.

Facebook Comments