DOT TOUR | Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters, dumating na sa bansa

38

Showbiz – Dumating na sa bansa si Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters para makibahagi sa apat na araw na Miss Universe 2017 winners tours program ng Department of Tourism.
Halos magkasabay na dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 si Peters at si 2016 Miss Universe Iris Mittenaere na sakay ng ibang flight kung saan sasamahan rin sila ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.
Makakasama ng dalawa ang ibang mga kandidata ng nagdaang Miss Universe 2017 at magsisimula silang bisitahin ang Rizal Park at Intramuros habang magkahiwalay naman na pupuntahan nina Peters at Mittenaere ang ibang bahagi ng bansa.
Matapos ang kanilang tour ay dadalo sila sa women of significance gala night sa December 9 na gaganapin sa Sofitel Manila at December 10 ay babalik na sa kanilang mga bansa ang mga beauty queens.

Facebook Comments