Driver ng SUV na sumagasa sa security guard, hinamon ng PNP na lumutang at patunayan na hindi adik sa iligal na droga

1650

Hamon ngayon ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao sa driver ng SUV na sumasagasa sa security guard sa Mandaluyong na sumuko.

Babala ni Danao sa may-ari ng SUV na si Jose Antonio San Vicente Sr. na patunayan na hindi siya gumagamit ng iligal na droga.

Pagigiit niya, walang tao na nasa matinong katinuan ang sasagasa sa taong nakita niyang nabangga na.


Babala ni Danao sa kaniya, maghintay ng kaniyang warrant of arrest dahil ipatutupad ng PNP ang batas.

Matatandaang nasampahan na ng kasong frustrated murder ang owner ng SUV at Abandonment of One’s Own Victim.

Ipinatawag naman na ito sa Land Transportation Office (LTO) pero dalawang beses na itong hindi nagpakita.



Facebook Comments