Drug-Cleared Barangay sa Region 2, 80% na-PRO2

Cauayan City, Isabela- Mahigit 80% na ang Drug-Cleared Barangay sa buong lambak ng Cagayan batay sa pagtaya ng Police Regional Office 2 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PRO2 Regional Public Information Officer PLTCOL. Efren Fernandez II, hindi titigil ang kapulisan at iba pang law enforcement unit na gawin ang kanilang mandato na panagutin ang mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Sa nakalipas na araw, marami na aniya ang nahuling indibidwal na lumabag may kaugnayan sa iligal na droga sa harap ng mahigpit na kampanya ng kapulisan laban dito.

Matatandaan na mahigpit na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puksain ang mga taong may kinalaman sa pagtutulak ng iligal na droga.

Facebook Comments