Dating opisyal ng CPP, nahuli ng pinagsanib na pwersa ng PNP at AFP sa Cavite

141

Arestado sa pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite ngayong araw.

Kinilala ang naaresto na si Evangeline Rapanut.

Siya ay inisyuhan ng mga awtoridad ng Warrant of Arrest dahil sa kasong murder at frustrated murder dahil sa mga pagpatay na kinasangkutan sa Cagayan Valley Region.


Batay sa ulat, si Rapanut ay dating secretary ng Komiteng Rehiyon- Cagayan Valley at kasakuluyang miyembro ng CPP Central Committee member na matagal nang wanted.

Samantala, batay rin sa ulat ng 5th ID na bukod kay Rapanut, naaresto rin nila ang isang Randy Belen Tamayo alyas Deng na communication staff ng National Education Department ng CPP.

Facebook Comments