DSWD, nangakong magbibigay ng tulong sa pamilya ng mga nasawi sa natupok na patahian ng damit sa QC

Nangako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkakaloob ng tulong sa pamilya ng mga nasawi sa natupok na Pleasant View Subdivision, Barangay Tandang Sora, Quezon City.

Tatlong pamilya ang unang nabigyan ng financial assistance.

Ang mga ito ay nagmula sa Rizal, Mindoro Occidental.


Mismong si Rizal Mayor Sonny Pablo ang sumama sa mga pamilya sa kanilang pagtungo sa DSWD.

Maliban sa financial assistance, makakaasa rin ang pamilya ng mga nasawi ng dagdag na tulong hanggang makabangon ang mga ito sa sinapit na trahedya.

Facebook Comments