Isinagawa ang pagsasanay mula August 28 hanggang September 1, 2026 sa Dingras Civic Center sa Dingras, Ilocos Norte, bilang bahagi ng mga hakbang upang mabigyan ang mga kalahok ng dagdag na kasanayan at kwalipikasyon para sa potensyal na trabaho sa security services sector.
Naisakatuparan ang programa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng DSWD Field Office 1–Ilocos Region SLP sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Bukod sa mga pangunahing kasanayan para sa security services, isinama rin sa pagsasanay ang Marksmanship Training na naglalayong hubugin ang disiplina, wastong kaalaman at pisikal na kakayahan ng mga kalahok sa ligtas at responsableng paggamit ng firearms.
Bahagi rin ng programa ang libreng gupit para sa mga trainees bilang dagdag na suporta sa kanilang paghahanda sa pagpasok sa trabaho.
Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, binibigyang-diin ng DSWD FO 1 SLP ang kahalagahan ng pagbibigay sa mga program participants ng praktikal na kasanayan at oportunidad na maaaring magsilbing daan tungo sa mas matatag na kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣













